Tuesday, June 29, 2010

Ala-ala ng nakaraan


Naaalala ko pa nun noong ako ay bata pa. Mahirap pa lang maging bata na walang malay sa mundong ibabaw. Limang taong gulang ako ng ako ay pumasok sa pag-aaral. Ang akala ko pag-ako ay pumasok sa eskwelahan ay maliligtas na ako sa mga palo ni nanay. Di ko alam nanadyan pa pala ang mga guro na pangalawang magulang namin, bkit ako nagkaroon ng pangalawang magulang wala naman kabet ang tatay ko. Bawat maling galaw at maling salita kurot agad sa singit kaya hanggang ngayon nakamarka pa rin ang kurot sa aking singit na may kasamang kuko ng guro ko.
Di ko pa alam ang magbasa, magsulat at maghilod ng libag sa batok. Dahil since birth nanay ko ang nagpapaligo sa akin at ang ang nanay ko rin ang nagtuturo sa akin magbasa at magsulat. Naaalala ko ko din tuwing ako ay uuwi ng bahay nakatutok agad sa mukha ko ang electricpan. Kasabay ng paghampas ng hangin sa aking mukha ay sinasabayan ko din ng ng pagkanta kasi yan daw ang sekreto ng mga singer. Nang ako ay nagkaroon na ng kaalaman natutunan ko nang ipasok ang stick ng titing sa ilong ko bilang pangkulangot at ang kutsara bilang pangtutuli.
Grade 6 sinubukan ko ang pagkanta sa harap ng salamin na ang gamit kong mic ay suklay. Minaster ko ang awit na santa clara kasi ako ang nakaassign sa aming subject na Msep. Di ko alam kung anu ang pumasok sa isip ko at napapayag na kumanta. Kaya ng aking subukan ay may na mamato ng duhat sa aking mukha. Hindi po kamatis kasi walang dalang kamatis kamatis ang mga classmate ko. Duhat lang ang kanilang nakita na mahigit isang buwan ng nakasabit sa bintana ng room namin. May mga ala-ala pa na bumabalik sa isip ko. Tulad na lang ng ako ay mainlove ito ang firstlove ko at first busted ang saklap noh? Sabi ko nga sa sarili ko sana hanggang bata na lang ako at hindi na lumaki. Pero kahit anung gawin ko teenager na ko at kaylangan mag-aral ng mabuti. Ngayon fourtyear highschool na ako nag-aaral ako sa MNHS-CP o Mariveles National High School of Curimao People. Yan lang ang mga kwento sa buhay ko na walang katuturan sa buhay sa susunod papagandahin ko ang mga kwento na aking gagawin.

Para po sa mga gusto pangmakabasa ng aking mga storya follow me in this link
http//:www.angstorynyo.blogspot.com thanks.

MOTTO: "Ang ikaw ay ikaw hindi mababago ng kahit ano mang bagay ang pagkatao mo, oo nga ako ay bata isang bata walang utak ngunit ang batang ito ay simbolo ng tunay na ako".